Vacation

Last month galing kaming mag-asawa sa amerika at binisita namin ang kanyang mother. First time ko na pumunta ng bansang amerika at akoy namangha sa ganda at high tech ng mga gamit doon, at nasabi ko sa sarili ko na “sana ang Philippines ay pareho rin ng bansang ito”, kahit na alam kong malayong mangyari nangarap pa rin ako na maging katulad nila.

first snow ng buwan ng october ay namalas ko (in my own eyes ) ganon pala ang snow at sobrang lamit sa labas kaya tinanaw ko nalang ang bawat bagsak ng snow sa bintana. nag enjoy ako sa 2 weeks na pag stay namin doon.

Manila Philippines

 

Manila Philippines, kung saan ang aking bansa. Sa mga kagaya ko na isang ordinaryong pilipino ay nakaisip na mangibang bansa, at sa kuwait ako napunta. Hanggang sa ngayon ay nandito pa rin ako sa bansang kuwait. Kumpara sa manila ang buhay ko dito ay medyo maalwa kaysa sa pilipinas. Dito ko rin nakilalal ang aking loving husband at dito ay unti-unti kong natutupad ang aking mga pangarap sa buhay.